JOURNAL ONLINE.COM
Monday, December 17, 2001   Section: Entertainment
By Joey Sarmiento

HINDI pa rin nagbago ang mukha at katawan ni Gabby Concepcion nang napanood namin siya sa kanyang back-to-back concert with Cheryl Marie Simbulan sa Naga Bar, LA, California recently, na ni-line produce ni Alfred Yumul.

Sabi ng katabi naming concert-director sa LA na si Ryan Deles, parang nasa mid-20s pa rin si Gabo na puwede pa ring itambal sa mga young superstars like Judy Ann Santos and Jolina Magdangal at take note, mali ang sinasabi ng iba na wala siyang "K" mag-concert dahil marunong na siyang kumanta.

Marami rin ang nasurprised nang nagduet sina Gabo at Cheryl Marie ng kantang Come What May dahil biglang nagbalikalaala sa mga diehard fans ang kanilang loveteam noon ni Sharon Cuneta.

Anyway, isa sa mga young Fil-Am si Cheryl Marie na gumagawa ng pangalan sa California with her powerful voice na hinahangaan din ng mga LA-based reporters, lalo na ng fashion show producer na si Mhel Lago.

May mga offers na ring natanggap si Cheryl Marie from leading recording outfits natin kaya by early next year ay pupunta dito ang mga taong humahawak sa kanyang career para makipag-negotiate.

* * *

ITINURO sa amin ng Hooters calendar girl, Ellain Elizan, ang current girlfriend ni Gabo na nagngangalang Chickie na masyadong secretive kaya hindi na namin nakuha ang last name.

Mestisang Pinay at edukada ang bagong GF ni Gabo pero marunong umiwas sa camera dahil kahit na anong timing ang gustong gawin ng mga reporters sa LA ay hindi nila ito nakunan.

Sinubukan din namin itong tsikahin pero mukhang naseminarized siya ng mga taong close kay Gabo dahil kahit na anong pilit namin ay wala siyang reaction.

Nakatsikahan din namin si Gabo sa Western Hotel pero inunahan na niya kami na ‘wag siyang intrigahin kaya hindi na namin siya kinulit pero sabi ng isang close sa kanya, executive position ang kanyang hinahawakan sa Gap company sa San Francisco at malaki ang kanyang suweldo kaya can-afford siyang mang-isnab ng mga movie offers dito.

May nakuha kaming nag-iisang retrato ni Chickie na kuha sa bahay ng famous Don Alfonso Chu of Anaheim, California pero nawala naman ito sa amin kaya hindi rin namin nailabas... sayang.

 


CLICK ARROW on the right to view the entire document