PILIPINO STAR NGAYON (DECEMBER 7, 2001)
BY ASTER AMOYO

Ibinalita sa amin ng kaibigan at agent ni Gabby Concepcion nas is Alfred Yumul na naging succesful ang one-night show ni Gabby Concepcion at Cheryl Marie sa Naga Resto-Bar sa Long Beach,California nung November 30 na pinamagatang An Evening To Rembember with Gabby Concepcion and Cheryl Marie. Kinabukasan, December 1, isang kaibigan at businessman na si Al Chu (based in Anaheim, California) ang nag-host ng isang belated birthday party for Gabby na ginanap sa kanyang malawak na garden sa Anaheim na dinaluhan din ng malalapit na kaibigan sa L.A. nina Gabby at Alfred at karatig lugar.

Naging back-up singer nga pala ni Gabby si Cory Abad na half-sister ni Christopher de Leon. Nanood din ang mother ni Boyet na si Lilia Dizon kasama ang panganay nina Boyet at Sandy na si Rafael Sandino. Nakasama rin nina Gabby at Cheryl ang dating Nailclippers na ang pangalan ngayon sa L.A. ay Boses. Ibinalita rin sa amin ni Alfred na endorser na umano ngayon si Gabby at pinasok na rin nito ang buy and sell ng mga sasakyan at real estate business. Nakabili na rin ito ng bahay sa Stockton kung saan siya ngayon nakatira at ang condo unit niya sa Daly City ay kanyang pinauupahan. May nabili na rin umanong bahay si Gabby sa Florida. Habang nasa Amerika si Gabby, gusto nito na makapag-ipon nang husto at mag-invest sa iba't ibang properties. Umaasa rin umano si Gabby na makakabawi siya balang araw sa kanyang anak na si KC, ang kanyang panganay at kaisa-isang anak sa kanyang estranged wife na si Sharon Cuneta who is now Mrs. Kiko Pangilinan. Gusto rin umano ni Gabby na maging magkaibigan sila ni Sharon if only for their daughter, KC.

 


CLICK ARROW on the right to view the entire document